Abalang-abala tuwing New Year Celebration ang Hong Kong. Sa panahong ito, mahigit 10 libong taga-Hongkong at turista ang nagtitipun-tipon sa magkabilang pampang ng Victoria Harbour, para panoorin ang fireworks. Dahil tumagal na ng mahabang panahon ang "Occupy Central," ilegal na demonstrasyon, na naganap sa Hong Kong nagyong taon, lumabas ang balitang umano'y kakanselahin ang naturang aktibidad sa taong ito.
Ayon sa pinakahuling ulat, tulad ng dati, idaraos ang New Year Celebration sa Hong Kong. Kaugnay nito, ipinahayag ng panig pulisya ng Hong Kong na kung may-balak na gambalain ng sinuman ang aktibidad na ito, mahigpit nilang ipapatupad ang batas.
Salin: Li Feng