|
||||||||
|
||
Hindi nakapasa sa botohan sa UN Security Council (UNSC) ang panukala na isinumite ng Palestina para tapusin ang pagsakop ng Israel sa teritoryo ng bansang ito.
Sa naturang pagboto, sumang-ayon ang 8 bansa na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Jordan, Pransya at iba pa, samantalang tumutol naman ang Amerika at Australia. Para mapagtibay ang anumang resolusyon ng UNSC, kailangang sumang-ayon ang di-kukulangin sa 9 na kasaping bansa, at wala dapat pagtutol mula sa anumang Pirmihang Kasaping Bansa.
Ayon sa naturang panukala, dapat umurong ang tropang Israeli mula sa lahat ng mga sinakop na lupa ng Palestina bago ang taong 2017 at itigil ang konstruksyon ng mga purok-panirahan ng mga Hudyo sa naturang mga sinakop na lupa.
Pagkatapos ng pagboto, ipinahayag ni Adly Mansour, Pirmihang Tagamasid ng Palestina sa UN, na ang resulta ng pagboto ay nagpapakita ng di-pagsasabalikat ng obligasyon ng UNSC sa paglutas ng isyu ng Israel at Palestina.
Ipinahayag naman ni Samantha Power, Pirmihang Kinatawan ng Amerika sa UN, na ang naturang panukala ay hindi balanse at konstruktibo, dahil hindi nito isinaalang-alang ang makatwirang kahilingan ng Israel sa pambansang katiwasayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |