Sa kanyang mensaheng pambagong-taon, sinabi kahapon ni Japanese Emperor Akihito na sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II, dapat pagsisihan ng Hapon ang kasaysayang mapanalakay at isaalang-alang ang direksyon ng pag-unlad ng bansa sa hinaharap. Ito aniya ang kasalukuyang napakahalagang bagay.
Tuwing bagong taon, bumibigkas ng maikling talumpati si Japanese Emperor Akihito para sa mga mamamayan upang balik-tanawin ang nagdaang taon at tayahin ang bagong taon.
Salin: Li Feng