|
||||||||
|
||
Sa Seoul — Ipinahayag kahapon ni Lim Byeong-cheol, Tagapagsalita ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea, na dapat lutasin ang problema sa pagitan ng Timog at Hilagang Korea sa pamamagitan ng pagsasanggunian at diyalogo. Umaasa aniya siyang sa ilalim ng walang anumang paunang kondisyon, isasagawa ang Hilagang Korea ang diyalogo sa Timog Korea.
Sa isang pulong ng pamahalaan na idinaos nang araw ring iyon sa Chong Wa Dae, sinabi ni Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea na gagawa ang kanyang bansa ng "aktuwal" na paghahanda para maisakatuparan ang unipikasyon ng Korean Peninsula.
Sa kanya namang mensaheng pambagong-taon, sinabi kamakalawa ni Kim Jong-un, pinakamataas na lider ng Hilagang Korea, na dapat itigil ng awtoridad ng Timog Korea ang lahat ng planong pandigma upang makapagbigay ng pagsisikap para sa pagpapahupa ng maigting na kalagayan ng Korean Peninsula at paglikha ng mapayapang kapaligiran.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |