Bilang tugon sa "maraming probokasyon" na isinagawa ng Hilagang Korea, partidkular na sa insidente ng pag-atake ng hacker sa Sony Pictures Entertainment, Inc. (SPE), iniutos kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos na isagawa ang sangsyon laban sa 3 organo at 10 indibiduwal ng Hilagang Korea.
Ayon sa atasang administratibo na nilagdaan ni Obama, ang Reconnaissance General Bureau ng Hilagang Korea, Korea Mining Development Trading Corporation, at Korea Tangun Trading Corporation, at ilang opisyal ng pamahalaang Hilagang Koreano ay inilagay sa naturang listahan ng sangsyon. Dulot nito, hindi puwede nilang gamitin ang sistemang pinansiyal ng Amerika, at hindi ring puwedeng isagawa ng mga mamamayang Amerikano ang negosyo sa kanila.
Salin: Li Feng