Sinabi ngayong araw sa Jakarta ng opisyal ng National Search and Rescue Center ng Indonesya, na natuklasan nila ang isa pang pinaghihinalaang labi ng bumagsak na Flight QZ8501 ng Air Asia sa karagatang pinangyarihan ng aksidente. Nauna rito, apat na malaking labi ng eroplanong ito ay natuklasan na, pero hindi pa natutuklasan ang black box ng eroplano.
Sinabi rin ng nasabing opisyal na hanggang sa kasalukuyan, narekober na ang mga bangkay ng 31 nasawi ng aksidente ng QZ8501. Aniya pa, ang kasalukuyang priyoridad ay nananatiling paghahanap at pagrerekober ng bangkay ng mga nasawi.
Samantala, ipinahayag naman kahapon ng Ministri ng Komunikasyon ng Indonesya, na pansamantalang sususpendihin ang linya ng Air Asia sa pagitan ng Surabaya ng Indonesya at Singapore, para isagawa ang imbestigasyon sa aksidente ng QZ8501.