Alinsunod sa "Memorandum ng Kooperasyon ng People's Bank of China (PBC) at Bank of Thailand(BOT)," isinapubliko kahapon ng PBC ang isang proklamasyon kung saan nakasaad ang pagbibigay-awtorisasyon sa Industrial and Commercial Bank of China Limited (ICBC) sa Thailand upang maging RMB clearing bank sa Bangkok. Ang kapasiyahang ito ay makakapagpatingkad ng positibong papel para sa transnasyonal na paggamit ng RMB sa Thailand at buong ASEAN.
Bukod dito, ang pagtatatag ng naturang RMB clearing bank ay makakapagbigay ng mas magingawa at mainam na serbisyong pinansiyal sa mga indibiduwal, bahay-kalakal, at organong pinansiyal ng Tsina, Thailand, at buong ASEAN na nagsasagawa ng kalakalang transnasyonal sa pamamagitan ng RMB.
Salin: Li Feng