Ayon sa French media, sumuko ngayong araw sa panig pulisya ang pinakabatang suspek sa teroristikong pag-atake sa Paris.
Ayon sa ulat, 18 taong-gulang ang naturang suspek, at siya ay pinagdududahang nagkaloob ng tulong sa iba pang dalawang suspek.
Bukod dito, nakipag-usap sa telepono kahapon ng hapon si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa kanyang counterpart na si François Hollande ng Pransya bilang pakikiramay sa mga human casualty na dulot ng teroristikong pag-atake sa Paris.
Salin: Li Feng