|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Donald Franciszek Tusk, Tagapangulo ng European Council (EC), na dapat palakasin ng Unyong Europeo (EU) ang sariling kakayahang pandepensa at itatag ang bagong garantiyang panseguridad.
Dumalaw kahapon si Tusk sa Latvia at nakipagtagpo kay Laimdota Straujuma, Punong Ministro ng bansang ito.
Kaugnay ng insidente ng pag-atake sa magasing Charlie Hebdo, sinabi ni Tusk na ang insidenteng ito ay nagluntad ng kakulangan ng sistemang panseguridad ng EU. Sinabi pa niya na dapat isagawa ang mas mahigpit na pagsusuperbisa sa kalagayang panseguridad ng Europa.
Kaugnay ng sangsyon sa Rusya, sinabi niyang ang layunin ng mga patakaran ng EU ay paggarantiya ng mapayapang pakikipamuhayan ng dalawang panig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |