Ayon sa pahayag na inilabas kahapon sa website ng Ministring Panlabas ng Rusya, tatalakayin sa ika-12 ng buwang ito sa Berlin, Alemanya, ng mga Ministrong Panlabas ng Rusya, Alemanya, Pransya at Ukraine ang kalagayang panseguridad sa Ukraine.
Ayon sa naturang pahayag, nag-usap kahapon sa telepono ang mga ministro ng naturang 4 na bansa hinggil sa paraan ng mapayapang paglutas sa krisis dakong silangan ng Ukraine. Binigyang-diin nila na dapat isakatuparan ng dalawang nagsasagupaang panig ng Ukraine ang Minsk Agreement para lutasin ang isyu ng bansang ito.