Ayon sa Xinhua News Agency, napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa Kawanihan ng Impormasyon ng Ministri ng Tanggulang Pambansa ng Tsina, na mula bukas hanggang ika-19 ng kasalukuyang buwan, idaraos ng dalawang hukbong Tsino at Amerikano ang magkasanib na pagsasanay tungkol sa makataong panaklolo at ika-10 simposyum ng pagpapalitan ng dalawang bansa. Ipapadala ng dalawang panig ang mahigit 150 tauhan para dumalo rito.
Ayon sa ulat, ang naturang pagsasanay at simposyum ay gaganapin sa Guangzhou at Haikou ng Tsina.
Salin: Li Feng