|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono kahapon sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya hinggil sa isyu ng Ukraine. Muling binigyang-diin ng dalawang lider ang kahandaang patuloy na pasulungin ang mapayapang paglutas ng isyu ng dakong silangan ng Ukraine.
Ayon sa ulat, sa pag-uusap, nagpalitan ng kuru-kuro sina Putin at Merkel hinggil sa krisis ng Ukraine. Binigyang-diin ni Putin na ang kasalukuyang pangunahing tungkulin ay dapat sundin ang kasunduan ng tigil-putukan, at dapat ding magkaloob ng tulong sa rekonstruksyon ng kabuhayan sa timog silangan ng Ukraine.
Binigyang-diin pa ng dalawang lider na dapat pasulungin ang pagsasakatuparan ng "Kasunduan ng Mensk," at dapat ding pasulungin ang pagsasagawa ng pagtatagpo ng mga Ministrong Panlabas ng Ukraine, Rusya, Pransya, at Alemanya.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |