|
||||||||
|
||
Mula kahapon hanggang ngayong araw, sa karagatang nakapaligid ng Timog Korea, idinaos ang kauna-unahang magkasanib na pagsasanay na militar ng Timog Korea at Amerika sa 2015.
Kamakailan, iminungkahi ng Hilagang Korea sa Amerika na kung ititigil ng T.Korea at Amerika ang naturang pagsasanay, isasa-alang-alang ng H.Korea na itigil ang nuclear test. Dahil dito, ang naturang pagsasanay ng T.Korea at Amerika ay nakakatawag ng malaking pansin ng iba't ibang sirkulo.
Bilang tugon sa naturang mungkahi ng H.Korea, sa isang preskong kamakalawa, ipinahayag ni Kim Min-seok, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng T.Korea na di-angkop ang mungkahi ng H.Korea na iniugnay ang nasabing regular na pagsasanay-militar sa pagsubok na nuklear. Ipinagbabawal na ng UN Security Council ang nuclear test ng H.Korea, at dapat sundin ng H.Korea ang kinauukulang resolusyon ng UN.
Ipinahayag rin ni Kim Min-seok na ang magkasanib na pagsasanay ng T.Korea at Amerika ay naglalayong harapin ang militar na banta mula sa H.Korea.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |