Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng World Bank (WB), ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Pilipinas sa taong 2015 at taong 2016 ay may pag-asang aabot sa 6.5%.
Ayon sa ulat, mababa ang inflation ng Pilipinas, maganda ang kalagayang piskal, patuloy na nababawasan ang bolyum ng mga utang, at masigla ang mga pribadong bahay-kalakal. Ang mga ito ay magandang kondisyon ng Pilipinas para isakatuparan ang sustenable at mabilis na paglaki ng kabuhayan.
Bukod dito, tinukoy ng naturang ulat na dapat gamitin ng Pilipinas ang bunga ng paglaki ng kabuhayan para mabawasan ang mga kahirapan at likhain ang mas maraming pagkakataon ng trabaho.