Kagabi, sa Bangkok, idinaos ang Seremoniya ng Pagbubukas ng "Taon ng Turismo 2015" ng Thailand. Lumahok sa naturang seremoniya sina Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand,at Kobkarn Wattanavrangkul, Ministro sa Turismo at Isports ng Thailand.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Prayuth Chan-ocha na sa kasalukuyan, nagsisikap ang pamahalaan para paunlarin ang kabuhayan ng bansa. Ang industriyang panturismo ay makakabuti sa pagpapasulong ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Thailand.
Sinabi ni Kobkarn Wattanavrangkul na ang industriyang panturismo ay isa sa mga pangunahing industriya ng Thailand. Ang 2015 ay napakahalagang taon para sa pag-unlad ng kabuhayan ng Thailand at ibang bansang ASEAN. Bukod dito, ipinahayag rin niyang ang natatanging kultura ng Thailand ay mahalagang dahilan na umakit ng mga turista mula sa daigdig.