"Dapat kusang magsisi ang Hapon sa mapanalakay na kasaysayan, batay sa tumpak na atityud at pagbibigay-galang sa katotohanang pangkasaysayan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa mga balita kamakailan ng media ng Hapon na di tama ang naiulat na 300 libong Tsino na pinaslang kaugnay ng pananakop ng Hapon sa Nanjing, noong WWII, at magiging mahirap ang pagtiyak sa kongkretong datos hinggil dito.
Sinabi ni Hong na walang duda at may maliwanag na konklusyon ang komunidad ng daigdig hinggil sa pagsagawa ng sundalong Hapones ng Nanjing Massacre. Aniya, anumang salita at aktibidad ng Hapon para baluktutin ang katotohanan ng mapanalakay na kasaysayan ay makakasama lamang sa pagkakaroon ng tiwala mula sa komunidad ng daigdig.