|
||||||||
|
||
Kapwa ipinahayag nina Pangulong Barack Obama ng Amerika at Punong Ministro David Cameron ng Britanya na tinutulan ng dalawang panig ang pagsasagawa ng mas maraming sangsyon sa Iran sa panahon ng pagsasagawa ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Nag-usap kahapon sa White House sila hinggil sa isyung nuklear ng Iran, paglaban sa terorismo at krisis ng Ukraine.
Sa news briefing pagkatapos ng kanilang pag-uusap, sinabi ni Obama na umaasa siyang mararating ang isang kasunduang binding force hinggil sa isyung ito sa pamamagitan ng talasatasan. Kaya bebetuhin aniya ang anumang panukala ng Kongreso hinggil sa pagsasagawa ng bagong sangsyon sa Iran.
Ipinahayag ni Cameron na matatag na tinututulan ng dalawang bansa ang pagdedebelop ng Iran ng sandatang nuklear, pero ang talastasan ay ang pinakamainam na paraan sa pagsasakatuparan ng naturang target. Dagdag pa niya, ang pagsasagawa ng ibayo pang sangsyon sa Iran ay makakapinsala sa pagsisikap para sa target na ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |