Ipinahayag kahapon ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na upang maigarantiya ang maalwang pagdaraos ng talastasan ng Rusya, Alemanya, Pransya, at Ukraine hinggil sa pagsasagawa ng mediyasyon sa krisis ng Ukraine, dapat isakatuparan ang walang pasubaling tigil-putukan sa dakong silangan ng bansang ito.
Ang naturang talastasan ay idaraos sa Astana, kabisera ng Kazakhstan. Sinabi ni Lavrov na umaasa siyang ang naturang talastasan ay magpapasulong ng komprehensibong pagsasagawa ng Minsk Agreement para ilatag ang pundasyon ng talastasang pulitikal hinggil sa isyung ito.