Bilang tugon sa mga madalas na aksyong nakakasira sa normal na kaayusan sa abiyasyong sibil, palalakasin ng departamento ng pampublikong seguridad ng abiyasyong sibil ng Tsina ang pagbibigay-parusa sa mga aksyong kriminal na nagsasapanganib sa seguridad ng paglipad.
Napag-alaman kahapon ng mamamahayag mula sa Administrasyon ng Abiyasyong Sibil ng Tsina, sa katatapos na Pulong hinggil sa Seguridad ng Abiyasyong Sibil ng bansa, ang mga aksyong nakakasira sa normal na kaayusan ng abiyasyong sibil na madalasang nagaganap nitong ilang taong nakalipas, ay naging pokus ng pulong.
Salin: Li Feng