Idinaos kahapon sa Singapore ang dalawang araw na closed-door negotiation ng Amerika at Hilagang Korea. Ipinahayag ng panig Amerikano na tatalakayin ng dalawang panig ang hinggil sa isyung nuklear sa Peninsula ng Korea at bilateral na relasyon.
Ayon sa ulat, nakatakdang idaos ng dalawang panig ang preskon mamayang hapon, pagkatapos ng pag-uusap.
Ito ay kauna-unahang paghaharap ng Amerika at H.Korea, matapos tanggihan ng Amerika ang paunang kondisyong iniharap kamakailan ng H.Korea tungkol sa pagtigil ng subok-nuklear.