Sinang-ayunan kahapon ng State Quality Inspection Administration ng Tsina ang pagtatatag ng unang lagusang pandagat sa Beibu Bay ng Guangxi Autonomous Region, para tanggapin ang mga prutas mula sa mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Indonesia, Thailand, Malaysia, Pilipinas, at Singapore. Ito ay hindi lamang makakatugon sa pangangailangan ng pamilihan sa gawing timog-kanluran at timog-kagitnaan ng Tsina, kundi makakatulong din sa pagpapalawak ng pagtutulungan at pagpapalitan ng Tsina at ASEAN.
Ayon sa estadistika, ang prutas na iniluwas ng ASEAN sa Tsina ay gumaganap ng mahalagang papel sa kalakalan ng dalawang panig. Pagkaraang itatag ang China-ASEAN Free Trade Area(CAFTA), naisakatuparan ng dalawang panig ang zero tariff sa 90% ng paninda, na nagkakaloob ng isang malaking pamilihan para sa mga prutas mula sa ASEAN.