PINURI at pinasalamatan ng mga pinuno ng pambansang pulisya ang may 150,000 kataong nakasama rin sa security program para sa Santo Papa.
Sa isang pahayag na nilagdaan ni PNP Officer-in-Charge Deputy Director General Leonardo Espina, sinabi niyang marami ang nagsakripisyo upang mapanatiling maayos ang pagdalaw ni Pope Francis.
Ang ipinatupad na security blanket ay nangailangan ng daang libong mga tauhan. Taimtim naman nilang nadaluhan ang kanilang tungkulin, dagdag pa ni Deputy Director General Espina.