|
||||||||
|
||
NAKILALA na ang mga nasawi sa sakunang naganap sa pagguho ng pader sa isang bodega sa Bulacan. Isa pang menor de edad ang nadagdag sa mga nasawi. Naganap ang insidente kahapon ng hapon.
Ayon sa pulisya, kay Sr. Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, isang pitong-taong gulang na anak ng isang construction worker ang nasawi samantalang isinusugod sa pagamutan. Naglalaro umano ang bata sa tabi ng pader ng gumuho ito. Dinala ang biktima sa Polymedic Hospital sa Guiguinto, Bulacan subalit hindi na umabot ng buhay.
Ang isa pang menor de edad ay isang manggagawa. Siyam na iba pang construction worker ang kinilalang nasawi samantalang limang iba pa ang nasugatan ng bumigay ang pader sa tinitirhan ng mga manggagawa. Ayon sa pulisya, ang hindi pa tapos na gusali ay pag-aari ng Number One Golden Dragon Realty Corporation.
Kabilang sa mga nasawi sina Nestor Maiton, manggagawa, Jonathan Sagayap, mason, Cinto Nayanga, mason, Rodolfo Nayanga, mason, Herald Nayanga, manggagawa, Joseph Bellones, mason, Arnel Cardano, manggagawa, Agnes Tan-Santos, at Arnold Humawan, manggagawa.
Tuloy pa rin ang ginagawang retrieval at clearing operations sa pook ng sakuna.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |