|
||||||||
|
||
Ayon sa magkasanib na pahayag na ipinalabas ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, inulat nilang patuloy na ipatuturan ang"Mutual Defense Treaty" na nilagdaan noong 1951, katulad ng nasasaad sa "Enhanced Defense Cooperation Agreement."
Ayon pa sa pahayag, patuloy na magpapalakas ang dalawang panig ng collective security, paglaban sa terorismo, seguridad sa dagat, pagmomonitor sa dagat, pagpipigil sa kalamidad at iba pa. Ipinahayag din ng pahayag ang pagkabahala sa kalagayan ng South China Sea.
Noong ika-28 ng Abril ng taong 2014, nilagdaan ng Pilipinas at Amerika ang "Enhanced Defense Cooperation Agreement," at pagkaraan nito, dumalaw si Barack Obama sa Pilipinas. Pero, isang petisyon ang inihain sa korte suprema ng Pilipinas na nagsasabing ang "Enhanced Defense Cooperation Agreement" ay labag sa Konstitusyon.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |