Ipinahayag kahapon ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministring Komersyal ng Tsina na kasalukuyang nagiging matatag ang exchange rate ng Rouble, matapos itong bumaba. Nananalig aniya siyang may sapat na kakayahan ang Rusya na mapagtagumpayan ang kasalukuyang mahirap na kalagayan para pangalagaan ang katatagang pangkabuhayan at pinansyal ng bansa. Sinabi niyang kung kailangan, nakahanda ang Tsina na bigyan ng tulong ang Rusya.
Ipinalalagay din niyang nagkokomplemento ang kabuhayan ng Tsina at Rusya, at nananatiling mainam ang batayan ng dalawang panig sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.