|
||||||||
|
||
Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa Shanghai Maritime Search and Rescue Center na alas-8:30 kagabi, nabangga at lumubog sa East China Sea ang isang bapor-pangisda na may lulang 13 tao. 3 katao sa naturang bapor ang nailigtas, at 10 iba pa ang nawawala.
Nagsasagawa ang panig Timog Koreano ng paghahanap at pagliligtas sa pinangyarihan ng insidente
Hanggang alas-10 kaninang umaga, isang bapor na pandigma ng tropang pandagat ng Tsina at dalawang ocean surveillance ship ng Tsina ang nagsadya sa pinagganapan ng insidente. Sa ilalim ng pagkokoordina ng China Maritime Search and Rescue Center, mabilis na nagsadya naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang coast guard ship ng Timog Korea para sa paghahanap at pagliligtas.
Sa kasalukuyan, nakisangkot ang Shanghai Maritime Safety Administration sa imbestigasyon sa sanhi ng paglubog ng naturang bapor, ayon sa kinauukulang procedure.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |