|
||||||||
|
||
Kahapon ng hapon, sa Zamboanga City, naganap ang isang car bomb attack na ikinamatay ng di-kukulangin sa 1 tao at ikinasugat ng 40.
Sinabi ng namamahalang tauhan ng panig Pulisya sa Zamboanga City na isinagawa na ng pulisya ang imbestigasyon sa insidenteng ito. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon o idibiduwal na umaamin na siyang may kagagawan ng isidenteng ito.
Ipinalalagay ng media na sa kasalukuyan, sinusugpo ng traopang pampamahalaan ng Pilipinas ang Abu Sayyaf group sa Basilan. Ang Basilan ay malapit sa Zamboanga City, kaya siguro ang naturang insidente ay isinagawa ng mga armadong tauhan ng Abu Sayyaf Group.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |