|
||||||||
|
||
Kahpon, sa Seoul, kabisera ng Timog Korea, nagtagpo sina Wang Yang, Pangalawang Premiyer ng Tsina na dumadalaw sa T.Korea, at Park Geun-hye, Pangulo ng T.Korea.
Ipinahayag ni Wang Yang na sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga lider ng dalawang bansa, naging mas malakas ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at T.Korea, at naging mas malalim ang aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig. Umaasa siyang magsisikap ang dalawang bansa, para palawakin ang pagpapalitang pangkultura at pagpapalagayan ng mga tauhan, lagdaan ang Kasunduan ng Malayang Kalakalan ng Tsina at T.Korea, at magkasamang pasulungin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyo ng Asya.
Sinabi ni Park Geun-hye na nakahanda ang T.Korea na patuloy na mapanatili ang mahigpit na pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't ibang larangan, at mararating ang komong palagay hinggil sa Kasunduan ng Malayang Kalakalan, para pasulungin ang pag-unald ng kabuhayan ng dalawang bansa at kooperasyong panrehiyon sa Silangang Asiya.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |