|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinalabas kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang isang pahayag bilang mahigpit na pagkondena sa insidente ng pagsalakay sa residential area ng isang lunsod sa kahilagaan ng Ukraine, at pagtalikod ng di-pampamahalaang sandatahang lakas sa kasunduan ng tigil-putukan. Hinimok din ni Ban ang iba't-ibang panig na tupdin ang kasunduan ng Minsk para agarang mapanumbalik ang seguridad, kabuuan ng teritoryo, at katatagan ng Ukraine.
Nanawagan din si Ban sa iba't-ibang panig na pag-ibayuhin ang kanilang pagsisikap para mapanumbalik ang nasabing kasunduan. Aniya pa, ang seguridad, kabuuan ng teritoryo, at katatagan ng Ukraine ay may mahigpit na kaugnayan sa seguridad at katatagan ng rehiyong ito.
Sinalakay kahapon ng umaga ang isang residential area ng Mariupol ng estadong Donetsk ng Ukraine. 16 na katao ang nasawi, at 87 iba pa ang nasugatan sa insidenteng ito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |