Sa Riyadh, kabisera ng Saudi Arabia—Dumalo dito kahapon si Yang Jiechi, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping, at Kasangguni ng Estado ng Tsina, sa aktibidad ng pakikidalamhati kay Abdullah Bin Abd al-Aziz, dating Hari ng Saudi Arabia. Maikling kinausap siya ni Salman bin Abdulaziz Al Saud, kasalukuyang Hari ng Saudi Arabia.
Sa ngalan ng mga lider, pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina, nagpahayag si Yang ng pakikidalamhati sa pagyao ni Haring Abdullah. Pinarating din niya kay Haring Salman ang mensaheng oral ni Pangulong Xi.
Sa kanyang mensaheng oral, muling bumati si Xi sa pagkahalili ni Salman sa hari ng Saudi Arabia. Umaasa aniya siyang magiging mas mabuti ang Saudi Arabia, sa ilalim ng pamumuno ng bagong hari, at patuloy na magpapatingkad ng mahalaga't positibong papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Dagdag pa niya, nakahanda siyang malalimang talakayin, kasama ni Haring Salman, ang hinggil sa pagpapalakas ng estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa, at pagpapasulong ng relasyong Sino-Saudi Arabian sa bagong yugto.
Salin: Vera