Nanawagan kahapon sa Amerika si Raul Castro, lider ng Cuba, na alisin ang blokeyong pangkabuhayan sa kanyang bansa. Sinabi ni Castro na kung hindi aalisin ang naturang blokeyo, walang posibilidad na mapapanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Cuba at Amerika.
Winika ito ni Castro sa Ikatlong Summit ng Community of Latin American and Caribbean States na binuksan kahapon sa San Jose, Costa Rica. Sinabi rin niyang labag sa pandaigdig na batas ang blokeyong pangkabuhayan ng Amerika sa Cuba, kaya dapat ito itigil.
Salin: Liu Kai