Noong ika-26 ng buwang ito, binuksan ang ika-34 na Porum na Panturista ng ASEAN sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar. Dumalo sa pagtitipon ang mga Ministrong Panturista mula sa mga bansang ASEAN at Pangkalahatang Kalihim ng United Nations World Tourism Organization(UNWTO).
Ang tema ng kasalukuyang porum ay: Paglalakbay para sa Kapayapaan, Kasaganaan at Magkatuwang na Pagtutulungan.