Isinalaysay kahapon sa Beijing ni Sheng Guangzu, General Manager ng China Railway Corporation, na hanggang noong katapusan ng taong 2014, nakaabot sa 16 na libong kilometro ang kabuuang haba ng pinatatakbong high-speed railway sa Tsina. Aniya pa, sa katapusan ng taong 2015, may pag-asang aabot sa 18 libo kilometro ang bilang na ito.
Sinabi rin ni Sheng na sa taong ito, isa sa mga priyoridad ng kanyang kompanya ay paggagalugad sa pandaigdig na pamilihan, at i-popromote nito sa mga bansang dayuhan ang high-speed railway ng Tsina.
Salin: Liu Kai