Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw sa Beijing ng China-ASEAN Business Council (CABC), ang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN noong 2014 ay katumbas ng 11.16% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina, at ang bilang na ito ay mas malaki kaysa 10.66% noong 2013. Ito ay nangangahulugang ang ASEAN ay nagiging mas mahalagang trade partner ng Tsina.
Ayon pa rin sa naturang ulat, noong 2014, halos US$ 480.4 Billion ang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN, na lumaki ng 8.3% kumpara sa taong 2013. Ang paglaking ito ay mas mabilis kaysa paglaki ng kalakalan ng Tsina sa mga iba pang bansa at rehiyon ng daigdig.
Tinukoy pa ng ulat na ang bagong taong ito ay mas mahalaga para sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at ang priyoridad ay pagtatatag ng "upgrade version" ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Salin: Liu Kai