Magkakahiwalay na bubuksan sa ika-5 at ika-3 ng darating na Marso ng taong ito sa Beijing ang Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina at Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Komite ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Ipinahayag ngayong araw ng mga tanggapang tagapag-organisa ng naturang dalawang sesyon ang mainit na pagtanggap sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan para sa pagkober sa mga sesyong ito. Ayon pa rin sa kanila, ang press center ng dalawang sesyon ay bubuksan sa ika-27 ng buwang ito.