Sa isang pulong na idinaos ngayong araw sa Beijing hinggil sa pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road," sinabi ni Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina, na ang pagtatatag ng "One Belt One Road" ay malaking proyekto at mahalagang gawain sa taong ito at susunod na mga panahon.
Ipinahayag ni Zhang na ang pagtatatag ng "One Belt One Road" ay mahalaga para sa pagbubukas sa labas ng Tsina, at mapayapang pag-unlad ng rehiyon at daigdig. Dapat aniya pasulungin ang gawaing ito sa mga aspekto ng patakaran, imprastruktura, kalakalan, pondo, at kooperasyong pandaigdig, para maisakatuparan ang pagtitiwalaang pampulitika, integrasyong pangkabuhayan, at pagtanggap sa kultura ng isa't isa ng Tsina at mga may kinalamang bansa.