Ipinahayag kahapon ni Apichart Pongsrihadulchai, Pangalawang Ministro ng Agrikultura at Kooperasyon ng Thailand, na ayon sa plano, mula 2016 hanggang 2017, babawasan ng pamahalaan ng Thailand ang output ng bigas sa 33.73 milyong tonelada, mula 35.11 milyong tonelada na output noong nakaraang 6 taon. Ang patakarang ito ay naglalayong pataasin ang presyo ng bigas.
Sinabi ni Apichart na dapat isagawa ang reporma sa pagpoproduce ng bigas para lutasin ang problema ng over-production. Umaasa siyang sa pamamagitan ng pagbabawas ng output, maaaring pataasin ang presyo ng bigas.
Salin:Sarah