Kahapon, dito sa Beijing, idinaos ang Ika-13 Pagtatagpo ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Rusya at India, na nilahukan nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at ng kanyang dalawang counterparts na sina Sergei Lavrov ng Rusya at Sushma Swaraj ng India.
Nangulo sa naturang pagtatagpo si Wang Yi. Sinabi niyang ang Tsina, Rusya at India ay malalaking bansa sa daigidig, at estratehikong partner ng isa't isa. Dapat palakasin ng 3 bansa ang estratehikong koordinasyon, at ito ay magkakaroon ng positibong at malalim na epekto sa pagpapasulong ng walang kinikilingan at patas na daigdig at demokratikong relasyong pandaigdig, at paghahanap at pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig na may nukleo ng kooperasyon na may mutwal na kapakinabangan.