|
||||||||
|
||
Sinabi ni Liu na sa ika-23 ng buwang ito, idaraos ng UNSC ang bukas na debatehan hinggil sa pangangalaga sa kapayapaan at seguridad ng daigdig. Aniya, ang debatehang ito ay nasa ministeryal na antas, at lalahok dito si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.
Isinalaysay din ni Liu na sa loob ng buwang ito, idaraos ng UNSC ang mahigit 20 pulong, para talakayin ang mga mainitang isyung kinabibilangan ng usapin sa Syria, Palestina't Israel, Iraq, Somalia, South Sudan, at iba pa.
Ang taong ito naman ay ika-70 anibersaryo ng kapwa pagkakatatag ng UN, at tagumpay ng World Anti-Facist War. Kaugnay nito, iminungkahi ni Liu na lubos na samantalahin ng UN ang pagkakataong ito, para mapasulong ang pagtatatag ng bagong tipong pandaigdig na relasyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |