Kaugnay ng ulat na ipinalabas kahapon ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas hinggil sa "harassment" ng isang bapor ng Coast Guard ng Tsina sa tatlong bapor pangisda ng Pilipinas sa karagatan ng Huangyan Island, ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Huangyan Island ay likas na teritoryo ng Tsina, at lehitimo ang pagpapatupad ng batas ng panig Tsino sa karagatan nito.
Ayon kay Hong, ang pangyayaring iniulat ng panig Pilipino ay naganap noong ika-29 ng nagdaang buwan. Noong panahong iyon, ilegal na nananatili ang ilang bapor pangisda ng Pilipinas sa karagatan ng Huangyan Island, at hindi nila sinunod ang pangangasiwa ng panig Tsino. Habang pinaaalis ang mga bapor na ito, bahagyang nagbanggaan ang bapor Tsino at isang bapor pangisda ng Pilipinas.
Salin: Liu Kai