Ipinahayag kamakailan ng Malaysia, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, na sa loob ng taong ito, bubuksan ang 5 espesyal na immigration channels sa ilang pangunahing paliparan ng bansang ito, para sa mga mamamayan ng mga bansang ASEAN.
Ang pagbubukas ng tsanel na ito ay isang preperensyal na hakbangin, para pabilisin ang custom clearance procedures ng mga bisita mula sa mga bansang ASEAN, bilang "mamamayan ng ASEAN." Batay sa isang komong palagay na narating sa ASEAN Summit noong 2010, bubuksan ang ganitong tsanel sa mga paliparan ng lahat ng mga kasaping bansa ng ASEAN, para palalimin ang "sense of identity" ng ASEAN Community.
Salin: Liu Kai