Napakaginaw ng panahon sa dakong Hilaga ng Tsina, lalo na sa taglamig. Kaya ang eskultura na yari sa yelo ay isang kilala at magandang tanawin na dapat bisitahin ng mga turistang galing sa ibang lugar. Pero kung magyelo ang mga pang-araw-araw na kagamitan na gaya ng kotse, hindi ito maganda para sa pamumuhay ng mga residente. Narito ang mga litrato hinggil sa mga frozen na kotse sa lunsod ng Changchun, punong lunsod ng lalawigang Jilin sa dakong hilaga ng Tsina dahil sa tumagas na tubig mula sa tubo sa ilalim ng daan na naganap noong ika-31 ng Enero ng taong 2015.
Sa kasalukuyan, isinagawa ng pamahalaang lokal ang mga hakbangin para ayusin ang daluyan ng tumatagas na tubig.
Saan ang pinakamalamig na lugar na pinuntahan po ninyo? Ibigay ang inyong sagot at inyong pangalan sa FB o sa message board ng filipino.cri.cn. Mayroon po kaming munting regalo para sa iyo.