Sa isang pagtitipun-tipong idinaos kahapon sa Beijing ng China-ASEAN Business Council (CACB), sinabi ni Stanley Loh Ka Leung, Embahador ng Singapore sa Tsina, at kasalukuyang Tagapangulo ng ASEAN Committee in Beijing (ACB), na ang pag-unlad ng ASEAN at pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road ay dalawang usaping tutulong sa isa't isa.
Umaasa aniya siyang magkakasamang haharapin ng ASEAN at Tsina ang mga hamon, lulutasin ang mga pagkakaiba, at lubos na sasamantalahin ang mga pagkakataon, para pasulungin ang naturang dalawang usapin.
Salin: Liu Kai