Sinabi ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng kanyang bansa ang pagpapahintulot ng anumang bansa sa pagbisita ni Dalai Lama, at paggamit ng isyu ng Tibet para pakialamanan ang mga suliraning panloob ng Tsina.
Dagdag pa ni Hong, sa mula't mula pa, ang mga aktibidad ni Dalai ay nakatuon sa pagkakawatak-watak ng Tsina, sa halip ng mga suliraning panrelihyon.
Bumisita kahapon sa Amerika si Dalai at lumahok sa National Prayer Breakfast. Hindi nakipagtagpo sa kanya si Pangulong Barack Obama ng Amerika. Pero, sa kanyang talumpati sa aktbidad na ito, ipinahayag ni Obama ang mainit na pagtanggap kay Dalai.
Salin: Liu Kai