Sa Munich, Alemanya—Bubuksan dito ngayong araw ang Ika-51 Munich Security Conference (MSC). Ito ang pinakamataas na porum hinggil sa patakarang panseguridad sa buong mundo. Ang tema ng kasalukuyang pulong ay "Pagbagsak ng Kaayusang Pandaigdig" (Collapse of International Order). Ang kalagayan ng Ukraine, paglaban sa terorismo, at seguridad ng Europa ang magiging 3 pangunahing paksa ng pulong. Dadalo rito si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Kaugnay ng kalagayan ng Ukraine, patuloy na tatalakayin ng iba't ibang panig ang hinggil sa kung paano komprehensibong ipapatupad ang kasunduan ng tigil-putukan na nilagdaan ng liaison group ng tatlong may kinalamang panig (Ukraine, Organization for Security and Co-operation in Europe, at Rusya) at armadong organisasyo sa Silangang Ukranie, noong Setyembre, 2014.
Tungkol naman sa paglaban sa terorismo, nitong nakalipas na isang taon, sanhi ng banta mula sa mga ekstrimistikong organisasyon na gaya ng Islamic State, Boko Haram, at Al-Qaeda, ang pinakapangunahing gawain ay ang magkakasamang pagbibigay-dagok ng komunidad ng daigdig sa terorismo.
Hinggil sa seguridad ng Europa, pag-uusapan sa naturang 3-araw na pulong, ang hinggil sa mga isyung may kinalaman sa kalagayan ng seguridad ng Europa. Kabilang dito, idaraos ang 2 talakayan hinggil sa "krisis ng Ukraine at Seguridad ng Europa."
Salin: Vera