Idinaos mula ika-3 ng buwang ito hanggang kahapon sa Beijing ang ika-2 talastasan hinggil sa pag-uupgrade ng China ASEAN Free Trade Area (CAFTA). Ayon sa ulat ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, natamo ng talastasang ito ang malaking progreso.
Sa talastasan, sinang-ayunan ng Tsina at ASEAN na aktibong pasulungin ang pag-uupgrade ng CAFTA. Tinalakay din ng dalawang panig ang 7 konkretong aspekto na gaya ng kalakalang panserbisyo, pamumuhunan, kooperasyong pangkabuhayan, mga prosidyur ng adwana, at iba pa.