Sinabi kamakailan ni Zhong Shan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang aktuwal na paglaki ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina noong 2014 ay 6.1%, at kabilang dito, ang aktuwal na paglaki ng pagluluwas ay 8.7%. Ang kapwa bilang na ito aniya ay mas mataas kaysa nakatakdang target.
Sinabi rin ni Zhong na noong 2014, ang proporsiyon ng pagluluwas ng Tsina sa buong daigdig ay mga 12.2%, na mas malaki nang 0.5% kumpara sa taong 2013. Dahil dito, ang Tsina ay nananatiling bansa sa daigdig na may pinakamalaking bolyum ng kalakalan ng mga paninda.