|
||||||||
|
||
Nagtalumpati kahapon si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-51 Munich Security Conference. Binigyang-diin niyang nanawagan ang Tsina para isakatuparan ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng seguridad sa buong daigdig.
Dagdag ni Yang, hindi ihihiwalay ang kapalaran ng Tsina at daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng mga iba't ibang bansa, na magsikap para itatag ang isang magandang daigdig na may pangmatagalang kapayapaan, at komong kaunlaran.
Pagdating naman sa mga isyu ng Asya, sinabi ni Yang na lumalakas ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at mga iba pang bansang Asyano. Aniya, pinaninindigan ng Tsina na batay sa paggalang sa pandaigdig na batas at katotohanang pangkasaysayan, maayos na hawakan ng mga may kinalamang bansa ang kanilang hidwaan, para ibayo pang pasulungin ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng Asya.
Binanggit din ni Yang ang isyu ng Ukraine. Aniya, para mapayapang lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng diyalogong pulitikal, dapat igiit ng iba't ibang panig ang paghahanap ng komprehensibo, balanse, at pangmatagalang pulitikal na solusyon. Dagdag niya, patuloy na gaganap ang Tsina ng positibo at konstruktibong papel para rito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |