|
||||||||
|
||
Ang pinakamahal na pintura o dibuho sa buong daigdig, ay nilikha ni Paul Gauguin noong 1892, at ito ay pinangalanang "When Will You Marry?"
Binili kamakailan ang obra maestrang ito, sa presyong 197 milyong pound (0.3 bilyong dolyares ). Bago binili, ito ay bahagi ng pribadong koleksyon ni Rudolf Staechelin, isang Swiss collector. Itinanghal din ang pinturang ito sa Basel Art Museum noong nakaraang mahigit 10 taon. Pero, ayon sa ulat ng American media, dahil may pagkakaiba ng palagay sa pagitan ng Swiss collector at Basel Art Museum, ipinasiya ni Rudolf Staechelin na ibenta ang nasabing obra. Umabot ang presyo nito sa 197 milyong pound, at lumikha ng rekord sa kasaysayan.
Si Paul Gauguin ay isang French painter. Noong 1890's, nilisan niya ang Paris at para pumasyal sa Tahiti Islands sa South Pacific. Tumira siya roon ng 10 taon, at lumikha siya ng maraming kilalang obra. Ang "When Will You Marry" ay nagpapakita ng dalawang dalaga sa Tahiti.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |