|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sina Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas, at Joko Widodo, dumadalaw na Pangulo ng Indonesia. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na palalakasin ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa ibayong dagat.
Sinabi ni Aquino na ang kooperasyon sa pangangalaga sa mga manggagawa sa ibayong dagat ay angkop sa komong interes ng dalawang bansa. Isasagawa aniya ng Pilipinas at Indonesia ang hakbangin para magkaloob ng tulong sa mga mamamayan ng isa' isa, sa pamamagitan ng diplomatic corps, mapasulong at mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa ibayong dagat. Ipinahayag pa niyang pagkaraang matagumpay na matukoy ang hanggahan ng espesyal na sonang pangkabuhayan sa dagat, ibayo pang pasusulungin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa demarkasyong pandagat, at pagbibigay-dagok sa ilegal na pangingisda.
Isiniwalat naman ni Joko Widodo na muling sisimulan nila ng Pilipinas ang talastasan hinggil sa continental shelf demarcation, at sususugan ang kasunduan sa hanggahan at pamamatrolyang panghanggahan na nilagdaan ng kapuwa panig noong 40 taong nakaraan. Dagdag niya, nakahanda ang Indonesia na dagdagan ang bolyum ng kalakalan nila ng Pilipinas, at umaasang hanggang taong 2016, magiging doble ang kabuuang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |